Lahat ng bagay sa mundo ay umiinog sa ilalim ng kapangyarihan ng Kataastaasang Dios, lahat ng dimension ay kanyang nasasaklawan... lahat ng nilalang dito sa mundo natin at sa iba pang mundo tanging sa DIOS lamang nagmula... Kung TAO lang ang tinatangi ng DIOS at ang ibang NILALANG ay hindi, sana ay siya na mismo ang kusang gumunaw o pumuksa sa kanila... buksan natin ang ating kamalayan kung bakit ang mga nilalang sa dako paroon ng mga imortal at nanatili pa rin hanggang sa ngayon...

Ang atin pong BLOG ay walang pinapanigan na relihiyon, sekta man o kongregasyon, dito po ay talakayan lamang at bahaginan ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa KABABALAGHAN - ang mga sitas na hango sa mga itinutiring nating banal na kasulatan kung gamitin man sana ay makatulong para sa kaliwanagan ng kaisipan ng bawat isa at hindi maging daan ng ano mang pagtatalo, tayo po ay malaya na maniwala sa kung ano mang pinaniniwalaan natin, subalit huwag nating isipin na tayo na ang nakakaalam ng BUONG KATOTOHANAN sapagkat hindi tayo naging saksi sa mga totoong pangyayari ng UNA, kung ano mang realization na nakamit natin sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasaliksik ito po ay ating pagyamanin at gamitin sa mabuting pakikipag-kapwa-tao...


- Taong Lipod

Wednesday, February 27, 2013

ITIM NA PUSA (OMEN OF THE BLACK CAT)

Ang itim na pusa ay pinaniniwalaang naghahatid ng kamalasan. Ang paniniwala ukol sa itim na pusa ay nanatiling laganap pa sa rin saan mang dako ng mundo.

Hindi kasali ang mga pantahanang pusa (domisticated cat) sa pinahihiwatig ng itim na pusa.

Sinasabi na ang itim na pusa ay isang pagbabalatkayo ng mga mangkukulam sangayon sa aklat na BEWARE OF THE CAT (1584) panahong medieval. Binabanggit sa aklat na porke't napatay mo ang pusa ay mamatay na rin ang mangkukulam, sapagkat ang mangkukulam katulad ng pusa ay merong siyam na buhay, sabi pa sa aklat.


Hindi lamang sa Pilipinas at India tinuturing na may hatid na malas ang itim na pusa, kundi maging sa ibang panig pa ng mundo.Sa Anatolia (lugar sa Turkey), pinaniniwalaang malaking kamalasan ang daranasin ng isang taong patay kapag ang pusa ay tumalon sa ibabaw ng kabaong, hindi raw mabubulok ang bangkay at magiging dahilan ito upang hindi makarating ng langit ang kaluluwa ng namatay. Sangayon kay Cornelius Agrippa (German Occultist), sa Salvonia, may paniniwalang kapag ang babae ay pumatay ng itim na pusa sa gabi ng New Moon, at itoy naipakain sa lalaking kanilang napupusoan, walang duda na mapapaibig nila ito.
1. Kapag ang pusa ay humarang sa daraan ng isang tao habang ito ay papunta sa trabaho, nagpapahiwatig ito ng isang suliranin o walang kapupuntahan ang kanyang pagpapagod.

2. Kamalasan ang hatid sa paglalakbay, kapag ang pusa ay lumikha ng huni na walang anumang pagkain sa bibig nito.

3. Kapag ang pusa ay humarang sa iyong daraanan, ito ay pagpapahiwatig ng kamalasan sa iyong paglalakbay.

4. Kung ang isang indibidwal ay nasa paglalakbay at nakakita ng pusa sa kaliwang bahagi ng daraanan, sinasabing may hatid rin na kamalasan.

5. Kapag ang pusa ay nahulog sa isang taong natutulog ito ay may hatid na kamalasan, nagpapahiwatig ito ng kamatayan o malubhang karamdaman.

6. Hindi rin magandang pangitain kung ang pusa ay umaamoy-amoy sa paa.

8 comments:

  1. Thanks po Ganda ng kwento

    ReplyDelete
  2. Ako po si yang villamor 13 years old nakatira sa angeles pampanga alas 2 ng madaling araw habang ako ay nakatutok sa facebook tulog na si mama at tito ako nalang ang gising mga bandang 2:30 am may narinig akong pusa (meow,meow) hindi ko ito pinansin nung una pero nung pangalawang rinig kona malapitan at ako lang magisa sa kwarto sinilip ko ang bintana at dun ko nakita yung pusa anino lamang at pinaalis ko ito na may halong kaba sinilip ko ito sa bintana at nakita ko lumabas ng gate at kulay itim na pusa.natakot po ako baka malasin ako kagaya ng mga pamahiin.

    ReplyDelete
  3. Ano kaya ibigsabihin nun?

    4am nagising ako bigla tapos pagdilat ko may pusang itim na nakatingin sakin ang creepy lang kase kinabahan ako nung binubugaw ko ayaw umalis tapos gumagalaw lang sya tapos nung nagtakip ako ng mata tapos pagtingin ko biglang nawala. Ewan ko kung totoo sya o imahinasyon ko lang yon. Mas kinabahan ako dun sa part na slowmo pa sya habang patingin sakin.😥

    ReplyDelete
  4. May pusng itim na laging lumalapit sakin at animo laging naglalambing,natatakot ako dahil sa dami ngang pamhiin sa pusang itim,
    Lagi syang nakasalubong at dumidikit na hinihimas ang kanyang katawan sa mga aking mga binti, ano po bang mapahiin sa ganitong pusang lagi sakin naglalambing

    ReplyDelete
  5. Lahat nmn ng pusa umaaligid sa tao.lalo na pag gutom.sana mgkaroon ako ng itim na pusa.dmi knang pusa.my black din pro tiger black siya.gusto ko pure black😊

    ReplyDelete
  6. yung pusa po namin nanganak nang tatlo yung kulay nang dalawa ay gray tapos yung isa naman ay black, anu kaya ibig sabihin nun balak sana namin i abandoned nalang an dami na po kasing pusa sa bahay namin eh.

    ReplyDelete
  7. Ako nman may isang gabi habang kami ay nagiinuman. May nkita akong itim na pusa hinabol ko.kasama ko ang aking pinsan .di naman ako natakot sa totoo naawa ako kasi pagala gala. Pagkakita ng mga tyahin ko at lola ko natuwa din sila binigyan p xa ng kulungan n maayus. Pag gising sa umaga nkita ng mga anak ko ang pusa actually kuting palang xa at nagustuhan ng mga anak ko. Sa tingin simula ng dumating yung pusa may nadagdag sa pamilyA ko. Saya.

    ReplyDelete
  8. am...actually po yung itim na pusa is malas po talaga kasi parang yung mata nya is may balak na gawin sa amin ang itim na pusa.

    ReplyDelete