Lahat ng bagay sa mundo ay umiinog sa ilalim ng kapangyarihan ng Kataastaasang Dios, lahat ng dimension ay kanyang nasasaklawan... lahat ng nilalang dito sa mundo natin at sa iba pang mundo tanging sa DIOS lamang nagmula... Kung TAO lang ang tinatangi ng DIOS at ang ibang NILALANG ay hindi, sana ay siya na mismo ang kusang gumunaw o pumuksa sa kanila... buksan natin ang ating kamalayan kung bakit ang mga nilalang sa dako paroon ng mga imortal at nanatili pa rin hanggang sa ngayon...

Ang atin pong BLOG ay walang pinapanigan na relihiyon, sekta man o kongregasyon, dito po ay talakayan lamang at bahaginan ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa KABABALAGHAN - ang mga sitas na hango sa mga itinutiring nating banal na kasulatan kung gamitin man sana ay makatulong para sa kaliwanagan ng kaisipan ng bawat isa at hindi maging daan ng ano mang pagtatalo, tayo po ay malaya na maniwala sa kung ano mang pinaniniwalaan natin, subalit huwag nating isipin na tayo na ang nakakaalam ng BUONG KATOTOHANAN sapagkat hindi tayo naging saksi sa mga totoong pangyayari ng UNA, kung ano mang realization na nakamit natin sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasaliksik ito po ay ating pagyamanin at gamitin sa mabuting pakikipag-kapwa-tao...


- Taong Lipod

Wednesday, February 27, 2013

KAPRE

Sa mitolohiya ng Pilipinas, ang kapre ay isang higanteng mabalahibo at mahilig sa tabako at kadalasan nagpapakita mula sa puno ng balete. Kilalang hindi agresibo at tahimik.
Ang Kapre (na kilala rin sa tawag na Agta, sa mga Bisaya) ay isang masamang espiritu o halimaw na kilalang-kilala ng mga Pilipino. Ang mga kapre ay pinaniniwalaang kawangis ng isang lalaki na may kakaibang tangkad dahil na rin sa mahahaba nitong mga binti, mahabang buhok at karaniwang napagkikitang nakaupo sa mga sanga ng malalaking puno habang naninigarilyo. Madalas na nakikita ang kapre na naghihintay ng mga taong daraan upang takutin ang mga ito. Mahilig ang kapre sa paninigarilyo, pag-inom at pagsusugal. Ihinahalintulad rin ito sa “bigfoot” na kilala sa Hilagang Amerika, ngunit mayroon itong katangian na mas malapit sa tao.

Ang salitang kapre ay hinango sa Espanyol na salitang “kapfre”, na dating ginamit bilang katawagan sa mga muslim. Hinango rin ito sa salitang “kaffir” na ginagamit bilang tawag sa taong hindi naniniwala sa Islam. Unang ginamit ng mga Arabo ang katagang kaffir bilang pagtawag sa mga taong hindi naniniwala as Islam at di maglaon ay nadala ang salita as Pilipinas noong dumating ang mga Espanyol na nakasalamuha ang mga nasabing Arabo.

TIRAHAN
Sinasabing nakatira ang mga kapre sa malalaking puno tulad ng balete, acacia, o mangga. Pinaniniwalaang nakikita lamang ang mga ito tuwing gabi, habang nakaupo sa sanga ng puno at hinihithit ang sigarilyong hindi nauubos. Minsan ay maaari rin silang makitang nakaupo sa ilalim ng puno. Marami ang nagsasabing katha lamang ang kapre ng malawak na imahinasyon ng tao, ngunit mayroon na rin na nagsasabi, lalo na sa mga liblib na parte ng mga probinsya na totoo ang mga ito.

ANYO
Ang kapre ay kadalasang inilalarawan na may taas na aabot sa pito hanggang siyam na talampakan, maitim at maraming buhok sa mukha at katawan at nakasuot ng bahag. Mayroon itong malaking mata, matatalas na ngipin, mahahabang kuko at mga binti na kasing-laki ng katawan ng puno.

URI
Tama – Ang uri na ito ng kapre ay kilala sa mga kwento ng mga Manobo. Isa itong higante na umaakit sa mga nais nitong biktimahin. Sinasabing ang mga ito ay nakatira sa puno ng Balete. Apila at Mandayangan – Ang mga uri na ito ng kapre ay pinaniniwalaang mga higante na nilalabanan ang isa't isa ngunit hindi mapanganib sa mga tao. Mangaluk – Isa itong higanteng halimaw sa kagubatan na karaniwang inilalarawan bilang isang nilalang na kawangis ng isang tao, maitim at may mga pakpak at mahahabang kuko.

MGA PANINIWALA
Maraming paniniwala ang mga tao tungkol sa kapre, lalo na ang mga naninirahan sa mga liblib na pook ng mga probinsya. Kabilang na dito ang kaisipang kapag mayroong maliwanag na bagay sa gitna ng kagubatan ay naroon ang kapre. Pinaniniwalaan din naman na mababait ang mga kapre at hindi nananakit ng mga tao kung hindi sila gagambalain o gagawan ng masama. Dapat rin humingi ng pahintulot sa pagdaan sa tabi ng malalaking puno at magsabi ng “tabi tabi po” upang hindi magambala ang kapre.

UGALI
Maraming kwento na ang nagpasalin-salin sa iba't ibang lugar at panahon tungkol sa ginagawa ng mga kapre sa mga tao. Pinaniniwalaang may kakayahan ang kapre na ilipat ang kama ng isang tao habang natutulog ito papunta sa isang sanga ng puno. Mayroon din silang kakayahan na iligaw ang mga tao sa bundok o kagubatan. Ilang mga saksi na rin ang nagsabi na nakakita na sila ng pagyanig ng puno at pagbagsak ng mga dahon kahit walang malakas na hangin. Sinasabi ring mayroong nakakarinig ng pagtawa ng kapre sa mga lugar na malapit sa pinaniniwalaang tinitirahan nito.



Source:
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Kapre  

10 comments:

  1. yon storya nio po ay totoo yan KAPRE mern po d2 sa Nueva Vizcaya Bayan ng Ibung Villaverde Brgy Nagbitin. may mga balita po ako narinig about KAPRE, PUGOT NA ULO NA LUMULUTANG SA ERE, may mga nag sabi meron sila nakita malaking tao na ITIM ang katawan at mahaba ang buhok sa PUNO ng Bulak na malaki ksi nka higa un PUNO pahaba, at meron din PUNONG ACASIA sa likod, my nag sabi din mga ANINO ang nkikita nila or ma AMOY na mabaho parang patay na HAYOP at minsan meron inuhuga un PUNO kahit walang Hangin, madalas po mangyari eto sa HATING GABI madalas po mag TAHOL ang mga bantay na ASO sa knila nka tingin sa bandang LIKOD ng BAHAY don sa PUNO na malaki,my nag sasabi din na d cla nanakit ng TAO bsta nandon lng nka upo sa PUNO na mahaba, sa PUGOT ULO naman na lumulutang sa ERE subrang nakakatakot un d mo makita un mukha nia bsta lumilipad lng sa ERE un ULO means PUGOT ULO. d po HAKAKA un KAPRE or PUGOT ULO totoo po tlga.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Ano naman ang kapanyarihan ng kapre

    ReplyDelete
  4. Totoo po bang nangunguha ang kapre. I mean nag kakagusto sya sa isang tao tapos may chance na kunin nya po ito? Thank you in advance for response. Kakagising ko lang napanaginipn ko kasi Mama ko. Eto sabi nya "Napilay ako kaya kinuha ako ng kapre, wala ako magawa" 💔 Halos humagulgol ako sa iyak 😭

    ReplyDelete
  5. Kakapanaginip ko lang kanina nung magising ako takot na takot katawan ko gusto raw ako kunin nung kapre ano kaya ibig sabihin nun? Mahaba buhok nya nakapatalon sya tapos may itim sa mukha nya diko alam kong ano un diko maalala mukha nya tapos wala syang suot na pangitaas naka pantalon lang sya basta naalala ko lang na sinabe ko may kapre sa labas tapos aun hinabol na nya ako sa panaginip un ha pero nakakatakot parin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganon din ako lagi lagi ako dinadalw ng masamang item na taong un ...nakAbadrip na

      Delete
  6. Nakakita na ako ng kapre nung grade 2 ako habang naghuhugas ng pinggan sa gabi, likod ng kusina madami puno ng saging at madilim, malawak na bakuran sa likod na ginawa din manukan. Maitim at makapal mga kilay niya, maitim na tao, nilapitan ko pa sa pinto dahil butas butas pinto namin gawa lang sa kahoy na tagpi tagpi. Kala ko tagapakain ng manok, nagtawag pa ako kuya..nung malapitan na di ko kilala mukha hanggang sa napicture out ko na KAPRE, nakahubad mga kapre, kalahati ng katawan niya kita ko, napatakbu nlng ako takot na takot. Maitim na tao. Katakot tuwing naaalala ko, nakakatitig pa siya nun.

    ReplyDelete
  7. ano po ang kahalagahan ng kapre sa mitolohiyang pilipino?

    ReplyDelete
  8. Ano.naman ang katangiang taga lay nila

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete