Lahat ng bagay sa mundo ay umiinog sa ilalim ng kapangyarihan ng Kataastaasang Dios, lahat ng dimension ay kanyang nasasaklawan... lahat ng nilalang dito sa mundo natin at sa iba pang mundo tanging sa DIOS lamang nagmula... Kung TAO lang ang tinatangi ng DIOS at ang ibang NILALANG ay hindi, sana ay siya na mismo ang kusang gumunaw o pumuksa sa kanila... buksan natin ang ating kamalayan kung bakit ang mga nilalang sa dako paroon ng mga imortal at nanatili pa rin hanggang sa ngayon...

Ang atin pong BLOG ay walang pinapanigan na relihiyon, sekta man o kongregasyon, dito po ay talakayan lamang at bahaginan ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa KABABALAGHAN - ang mga sitas na hango sa mga itinutiring nating banal na kasulatan kung gamitin man sana ay makatulong para sa kaliwanagan ng kaisipan ng bawat isa at hindi maging daan ng ano mang pagtatalo, tayo po ay malaya na maniwala sa kung ano mang pinaniniwalaan natin, subalit huwag nating isipin na tayo na ang nakakaalam ng BUONG KATOTOHANAN sapagkat hindi tayo naging saksi sa mga totoong pangyayari ng UNA, kung ano mang realization na nakamit natin sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasaliksik ito po ay ating pagyamanin at gamitin sa mabuting pakikipag-kapwa-tao...


- Taong Lipod

Tuesday, May 15, 2012

FAIRIES

Isang uri ng hindi pangkaraniwang nilalang o elemento ng kalikasan (nature spirits), sila ang isa sa pinakamaganda at mahalagang mitolohikong konsepto. Ang paniniwala sa mga fairies ay kilala na at tanyag na noon pa man, ang mga ideya patungkol sa kanila ay matatagpuan magin sa primitibo man o sa sibilisadong pamayanan. Ang mga fairy ay kinikilala sa mga alamat, kwento, sa musika at maging sa mga tula. Ang terminong fairy ay hango sa salitang Latin na “fata” at “fatum” (fate, tadhana), at sa Middle English ito ay pinahihiwatig na kaakit-akit, o naninirahan sa isang mahiwagang lupain kasama ang mga kauri nito. Ang fairies ay kilala bilang “fays” o “fees” sa mga pulo ng Britanya at sa Europa.

Sinasabing ang mga Fairies ay hindi nakikita ang mga pangkaraniwang mata, at kadalasan sila ay may maliit na sukat kumpara sa normal na tao. Pinaniniwalaan na sila ay matulungin sa mga tao subalit lubhang mapanganib kapag sila ay niloko. Madalas sila rin ay tinuturing na pilyo na parang mga bata, ngunit pinaniniwalaang may taglay na kapangyarihan.
Ang pinakamatibay na tradisyon ukol sa mga Fairies ay matatagpuan sa mga kapuluan ng Britanya at Europa, matatagpuan rin ang paniniwala sa mga Fairies sa bahagi ng Asya, Amerika at Africa. May mga taglay na mga katangian ang mga Fairy sa tradisyong European, ang nangunguna dito ay ang “trooping fairies”, na siyang tinuturing na mga aristocrat sa mundo ng mga engkanto, mga nakatira sa mga palasyo, laging may selebrasyon, sayawan; ang hobgoblin fairies ang siyang may pagkagarapal, masisipag; mga nature spirits ng ilog, hardin, at ng kakahuyan; at may kaanyuang hindi maisalarawan, kahalintulad ng hags, at higante. Para sa kumpletong listahan ng mga pixies, nixies, elves, fauns, brownies, dwarfs, leprechauns, bogies, banshees, at iba pang mga fairies, tingnan sa A DICTIONARY OF FAIRIES (1976) ni Katherine Briggs.

Kabilang sa karaniwang Gawain ng mga fairies na may kaugnayan sa tao ay ang pagkuha ng mga sanggol at saka nila ito papalitan ng kanilang kauri (changeling); pagtulong sa mga halaman at bulaklak na lumalaki; paglilinis ng sahig; pagbibigay ng mga mahimalang regalo para sa pakikipagkaibigan ( tulad ng pag-alis ng kapintasan o pagtanggal ng sumpa ng mga mangkukulam); pagbibiro sa mga gatasang baka sa parang, patuyuin ang mga basang damit, gawing keso ang gatas at manira ng mga pananim.
Ang mundo ng mga Engkanto ay karaniwang nasa ilalim ng lupa o sa kahima-himalang ibang dimension. Ang oras dito ay mahimalang nagbabago – ang isang gabi ay maaaring katumabas ng isang buhay sa mundo ng tao kapag nasa lugar ka ng mga engkanto. Ang ilan sa mga pinakaromantiko at masidhing Alamat ay ang pagkabihag ng isang mortal sa reyna ng mga engkantada na kung saan sa pamamagitan ng mahika siya ay napunta sa kaharian ng mga engkanto na lahat ng hilingin mo ay matutupad, kapalit ng paglabag sa batas ng mundo ng immortal at tao ay ang pangungulila sa mundong kanyang pinagmulan, at siya ay makababalik dito subalit ang lahat ng iniwan niya ay lumipas na.
 
Noong ikalabing-pitong siglo (17th century), si Rev. Robert Kirk ay nag-imbestiga sa mga fairy ng Aberfole sa Scotland, higit pa sa pagbisita ng isang anthropologist na mag-aaral sa isang katutubong tribu. Sa kanyang aklat na THE SECRET COMMONWEALTH OF ELVES, FAUNS, AND FAIRIES (1691), ay buong kumpiyansa niyang sinasalaysay ang buhay, gawain at akitibidad ng mga fairy sa kanilang mundo; sa ilalim ng lupa. Ang labi ni Kirk ay nakalagak sa Aberfoyle, ngunit sinasabi sa alamat na siya ay nahimatay ng siya ay dumaan sa Fairy Hill at kasunod nito ang kanyang madaliang pagkamatay. Sinasabi ng kanyang mga kamag-anak na nagpakita si Kirk sa kanilang panaginip at nagsasabi itong siya ay bihag sa mundo ng mga engkanto. Nagbigay siya ng tagubilin para siya ay makalaya, subalit ang kanyang pinsan ay takot na takot na gawin ito, sa ganitong kadahilanan hindi na nakita pang muli si Kirk.
Maraming alamat tungkol sa pagtulong ng mga fairy sa mortal, karamihan ay sa mga ilang na lugar. Ang mga fairy na nanahan sa mga bahay ay sinasabing tumutulong sa mga pang-araw-araw na gawain katulad ng paghuhugas ng pinggan, paglalagay ng apoy, paglilinis ng sahig, paggawa ng masasarap na tinapay, at iba pa subalit tratuhin sila ng may paggalang at bigyan ng isang tasang gatas para sa kanilang problema.

Ang ibang fairy naman ay mga mapagbiro at mga pilyo na may gawing katulad ng mga poltergeist (magugulong multo), nandyan yong batuhin nya ang tao, pigilan ang pagkaluto ng tinapay, patayin ang ilaw, katukin ang mga gamit sa kusina, lumikha ng usok, o guluhin ang mga alagang baka at kabayo. Minsan ito ay bilang kaparusahan sa kawalang galang sa kanila. Sa rural na lugar ang mga fairies ay tinatagurin nilang “mababait na nilalang” para kung sakali man hindi masaktan ang kanilang damdamin.

Ayon sa pamahiin, minsan ang mga fairy ay nagnanakaw ng sanggol at papalitan ito ng kanilang anak bilang kapalit ng kinuha nila, kalimitan ito ay pangit at magagalitin. Ang changeling ay maaaring mautakan sa biglaang pagpasok upang malaman kung engkanto ito, merong sinaunang pamahiin na kapag natuklasan ang changeling dapat itong sunugin. Sa kadahilanang ito ilang sanggol na mayayamutin ang nasunog sa paniniwalang ito ay changeling, nagpatuloy ito hanggang ikalawang siglo sa mga lugar ng mga magsasaka.
Ang tradisyon patungkol sa mga fairy ay matibay sa mga Celtic na bansa. Sa Scotland at Ireland, ang engkanto ay tinatawag nilang “daone sithe” (men of peace) at pinaniniwalaan ng bawat taon ang demonyo ay nagdadala ng ikasampung bahagi nito. Sa Scotland at Ireland, ang mga Neolitikong baton a hugis arrow ay pinaniniwalaang armas ng mga fairy, at tubig na kapag nagbabad ka ay magsisilbing kagamutan sa maraming uri ng karamdaman.  Ang mga Celts ay naniniwala sa musika ng mga engkanto na maririnig mo sa isang piling lugar, at sinasabing napakagandang musika ang mariring mo. Ilang maalamat na musika na naririnig sa paghampas ng hangin ay sinasabing likha ng mga engkanto.

Monday, May 14, 2012

ANGHEL AT HIGANTE

Isa sa nangungunang paniniwala, na hindi masyadong nahaluan ng tanyag na teolohiya, na ang mga Anghel ay nakipagtalik sa mga babae at nanganak ng mga higante. Ang ideya ay kinuha sa aklat ng Genesis 4:2, na tinanggap rin ng mga ama ng kristiyanismo na sinusundan pa ng opinyon ng mga sinaunang Jesuita na tagapaliwanag, Philo-Judeus at ni Josephus. Isa sa partikular na pagsalaysay ay nagkataong binabanggit rin sa aklat ni Enoch, na kung saan gumagawa ang mga Anghel---Uriel, Gabriel, at Michael---ang mga nangungunang instrumento ng pagsupil ng mga ipinanganak na nakakagimbal. Ang mga klasikong manunulat ay kanilang pinagyayaman ang paniniwalang "bayani" ng lahi, na lahat sila ay ipinanganak mula sa pag-ibig ng mga diyoses sa mga babae, o para ang pagpapakita ng pagkagusto ng mga mortal sa mga diyosa.

Ang mga Persian, Jesuita, at Muslim ay may mga patotoo sa karaniwang pinagmulan ng mga anghel, at sila ay nagsasabi na ang mga ito ay may pagkakaiba sa kasarian.   Sa huli, ang pangalang Azazil ay ibinigay sa herarkiya na siyang malapit sa trono ng Dios, na kung saan masasabing doon nabibilang ang Satanas (Eblis or Haris) ng Mohammedan, ganun din ang Azreal, ang anghel ng kamatayan, at ang Asrafil (kahalintuald ng Israfil), ang anghel ng pagkabuhay na magmuli. Ang tagapanuri, Moukir at Nakir, ang mga anghel na tumutulong na armado ng mga pamalo na bakal at apoy, na siya ring magsusuri at magtatanong sa mga taong sumakabilang buhay na.

Ang kahalintulad na paniniwala sa Talmud ay ang patotoo ng pitong anghel na dumagsa sa daan ng kamatayan. Ayon naman sa Koran; nagtatalaga ng dalawang anghel sa bawat tao --- ang isa ay magtatala ng nagawa niyang kabutihan at ang isa naman ay sa nagawang masama. Sila ay maawain kapag ang masamang gawa ay natapos na, ito ay hindi matatala hanggat ang tao ay tulog pa, at kapag siya rin ay nagsisi, kanilang ilalagay sa kanilang talaan na ikaw ay napatawad na ng Dios. 

Ang mga ama ng kristiyanismo, sa bawat parte ang anghel ay pinaniniwalang meron katawan na may makalangit na sangkap (sa Tertullian ito ay tinatawag na "malaanghel na laman"),  at kung hindi naman ipagpapalagay na makalupang kasiyahan ang kanilang presensya. Sa katunayan, lahat ng gawa na naitala ng mga anghel sa Kasulatan ay katangian ng katawang lupa.

Ilan sa mga Theosophists ay naniniwalang ang mga anghel ay may kaugnayan sa buhay ng mga engkantada, bahagi ng "Devic" na kaharian  (mula sa Sankrit na terminong "deva" o "banal na nilalang."). 

GREEN CHILD AT SI ELIDOR

Sa Chronicon Anglicanum, si Ralph ng Coggeshall ay nagkwento tungkol sa batang lalaki at babae na meron berdeng balat na natagpuan malapit sa isang hukay sa Saint Mary ng Wolf-Pit. Wala silang ibang kinakain kundi pawang mga berdeng pagkain lamang ang nagsasalita sila ang ibang lenguahe. Ang batang lalaki ay namatay, subalit ang batang babae ay natutong magsalita at kumain ng mga ordinaryong pagkain, at siya ay naging normal  at nagkkwento tungkol sa isang lupain na dati ng isinilarawan ni Elidor (isang Welsh Folktale na Elidor and the Golden Ball), na inilarawan ni Giraldus Cambrensis sa Itinerarium Cambriae, ito ay nakatala sa kanyang paglalakbay sa mga bansa noong 1188. Si Elidor ay isang pari na kung saan nong kabataan niya ay sinama ng mga dwende sa isang lupain na may gintong kastilyo, isang lugar na napakaganda, na hindi direktang nasisinagan ng liwanag ng araw

PISACHA

Sa alamat ng mga Hindu, ang pisacha (sa literal nakahulugan, "mangangain ng hilaw na laman") ay isang vampiric na espiritu na madalas na kaugnay sa vetala at rakshasa ngunit mas mababang uri kaysa sa dalawang nilalang na nabanggit. Ang pangalan pisacha ay paminsan-minsan na ginagamit katawagan sa lahat ng mga multo, goblins at vampires na nakatira o namamalagi sa mga sementaryo at mga lugar na abandonado sa India.

Nababanggit ang mga pishacas sa Atharva Veda, sa tradisyon ng Kashmir sinasabi na sila ay naninirahan sa central-Asia.

Ang mga Pisachas ay namamalagi mga mga krus na daan. Sila ang sinisisi bilang sanhi ng maraming sakit. Ngunit, kapag inalayan ng bigas sa krus na daan, sa pamamagitan ng isang seremonyas na paulit-ulit sa sunod-sunod na araw sinasabing maaaring mabalik ang dating kalusugan. Ang pinakamababang uri ng kasal, sa pamamagitan ng panggagahasa ay nauugnay sa kanila.

Ayon kay Akhtar Muhi-ud-Din ang Dard, Naga at ang Pisacha ay tatlong iba't-ibang mga pangalan ng mga katutubo na naninirahan sa Kashmir na may mga repositoryo ng isang mayamang kultura at wika. Sila ay tinatawag na mga Nagas dahil ng kanilang mga relihiyosong paniniwala sa kung saan ang sentro ay ang kanilang paggalang sa demonyo (Naga). Sila ay kilala bilang mga Pisachas sa kanilang pagkain ng karne at ang Dards o Dravads dahil sila ay kabilang sa mga Dravidian ang kanilang lenguahe ay kabilang sa wika ng mga Dardic.

Ang mga Burzahom excavations na pinapakita ay pinapalagay na ang mga orihinal na naninirahan sa Kashmir ay meron ng advance at sopistikadong sibilisasyon kahalintulad ng mga nasa Indus Valley. Ang Katha-sarit-sagara, isang kilalang koleksyon ng mga alamat noong ika-11 siglo CE, ang mga patungkol sa engkanto at katutubong kwento ay batay sa Gunadhya ng Brhat-katha na nakasulat sa Paisachi na salita mula sa timog ng India.
 

DRAGONS

Ang mga dragon ay pinaniniwalaang sasakyan ng mga BATHALA kapag sila’y namamasyal. Magpahanggan ngayon, ang hiwaga ng dragon, kung pa’no pumasok sa consepto ng mga sina-unang tao, ay ‘di pa mabatid nino man. Sapagkat paano ito naisip ng mga tao nuon, na ni sa guni-gunii’y wala silang nakitang dambuhalang hayop, tulad nang kanilang isinasalarawan. Ngunit sa bahaging ito, inyong mauunawaan ang ispiritual na kaugnayan ng nasabing nilalang. Upang ganap ninyong mabatid kung pa’no ito lumitaw sa guni-guni ng mga sinaunang tao.

Ang mga dragon, sa kasalukuyang panahon, na nakatanim sa isipan ng maraming tao,  na pinaniniwalaang nabibilang sa mga maligno at nilikhang nagbuhat sa dilim. Ngunit sa consepto ng atin mga ninuno, ang mga dragon ay hindi lamang masasabing mapamuksa, kundi isang bantay ng kabutihan. Sapagkat naniniwala sila na may dalawang uri ng dragon – ang mabuti na nagbuhat sa kalawakan, at ang mapamuksa na nagmula sa dilim – sa ilalim ng lupa. Sinasabing kung ang mapamuksang dragon ay nagdadala ng salot, kabaliktaran ito ng dragon ng kabutihan, na nagdadala naman ng katahimikan at kasaganaan.
Kung karaniwan sa alamat na malaki ang dragon, mayroon din naman maliliit. At sinasabing ang kabuoan ng isang dragon ay galing sa iba’t-ibang bahagi ng halimaw. Kaya atin makikita na ang ibang dragon ay may katawan ng ahas o kaya’y katawan ng buwaya. Sa ibang alamat, ang dragon ay mayroon ulo ng leon, tigre, pating, o kaya’y ng agila. Karamihan ang dragon ay nagtataglay ng pakpak tulad ng agila o paniki.

ANG LIMANG URI NG DRAGON

Pinaniniwalaan ng ating mga ninuno na mayruon limang uri ng dragon sangayon sa kinabibilangan niyang elemento:

1.  SNAKE-LIKE DRAGONS:

Ito ang mga dragon ng elementong lupa; naninirahan sa mga batohan at ilalim ng lupa. Hawig sa ahas ang kanilang anyo at walang pakpak. Nangunguna sa ganitong uri ang MAMELEU At MARKUPO ng mga West Visayas at ang SAWA ng mga Tagalog.

2. FISH-LIKE DRAGONS:

Mga dragon ng elemento ng tubig; naninirahan sa ilalim ng dagat o malalim na bahagi ng lawa at ilog. Hawig sa isda ang katawan tulad ng MATSYA, kundi man isang serpiente na sa ahas ang katawan at sa isda ang ulo.

BAKUNAWA – ang tawag dito ng mga taga-West Visayas.

3.  CROCODILE-LIKE DRAGONS:

Ang dragon ng elementong apoy; na may mala-buwayang anyo at naninirahan sa mga bulkan. Kaya ang mga sinaunang Tagalog at Ilokano, ay sinasamba ang buwaya, sa paniniwalang isa itong uri ng dragon.

4.  BIRD-LIKE DRAGONS:

Ang dragon ng elementong hangin; na may mala-ibon ang anyo.

a. MINOKOWA – nangunguna rito ang minokowa ng mga bagobo, na ang ulo ng dragon ay sa agila.

b.  BAWA – popular ito sa West Visayas.

c.  LAHO – naman ang dragon ng mga Tagalog at Pampango.

5.  CLOUD-LIKE DRAGONS:

Ang dragon ng elementong espiritu. Ito’y may mala-ulap na anyo, at sa halip na kaliskis ng ahas ang bumabalot sa kanyang katawan, mala-ulap na balahibong kaliskis ang makikita.


ANG MGA TIRAHAN NG MGA DRAGON
Kung iba’t ibang puno ang tahanan ng maraming maligno, ang mga dragon naman ay tumatahan sa lugar kung saan elemento siya nabibilang. Makikita natin ang mga ito sa iba’t ibang panig ng mundo – mula sa kalawakan hanggang sa kailaliman ng lupa. Kaya may mga dragon na naninirahan sa kalawakan at hindi bumababa sa lupa tulad ng Nagas at Rahu ng mga Bicolano.

ANG ANYO NG NAGAS AT RAHU
Ito ang cosmic dragon na naninirahan sa kalawakan, at hindi kailan man bumababa sa lupa. Ang alamat ng mga ito ay kariringgan na lamang sa kuwento ng matatanda, sa mga liblib na bahagi ng Bicol. Sa bawat ika-100 taon, ang dalawang uring ito ng dragon ay lumalabas upang gumala sa ating daigdig. Dito ito nakikita ng ibang tao, na tiempo naman naruon sa panahon ng kanyang paglalakbay. Pagkaraan ng siyam na araw, muli silang nagbabalik sa kanilang pinagmulan. Kapag ang dalawang ito ay nagkasalubong sila’y naglalaban, na matatapos lamang sa taning na panahong dapat nilang ilagi rito.

Kapag ito’y nangyari, ang papawirin ay kakikitaan ng iba’t ibang kulay ng liwanag na nagsasalibayan sa kalangitan. Sanhi ito nang nagaganap na tunggalian ng nasabing mga dragon. Sa ating modernong panahon, posibleng hindi na ito paniwalaan. Noon 500 A.D., sa England, natala sa isang alamat ang paglalaban ng dalawang ito. Kaya pinaniniwalaan nuon na ang pamumula ng langit ay dahil sa ibinubugang apoy ng isang uri ng dragon. Ang pagkukulay-bughaw (azure) naman ng langit ay dahil daw sa pananahimik nito.
NAGAS – ang Nagas, na naninirahan sa kalawakan, ay nagpapahinga sa cosmic tree na tinatawag na Naga. Ito ay kulay puting busilak na dragon na pinaniniwalaan sasakyan ng mga bathala. At taga-pangalaga ng katahimikan ng sandaigdigan. Makikita natin na kahit nababalot ng lambong ang nasabing dragon, may lumalabas na liwanag sa ulo nito. At sa halip na mga kaliskis na tulad sa ahas, na karaniwang makikita natin sa mga dragon, ang katawan niya’y nababalot ng balahibong kaliskis. Wala pang sino man tao ang nakasilay ng mukha ng mga dragong ito. Sapagkat kapag naalis ang nasabing lambong sa mukha ng dragon, matutupok ang mundo sa tindi ng init na kanyang inilalabas.

RAHU – sinasabing kapag nagagalit ang mga bathala, dahil sa paglapastangan sa kanila, at sa pagkasira ng kalikasan dahil sa kagagawan ng tao. Kanilang inuutusan ang dragong ito para magbuga ng salot sa lugar na naturan. Ang isang palatandaan na nasa paligid na ang Rahu, ay ang eclipse ng araw o buwan. Kaya atin makikita na ang bawat nagaganap na digmaan at matinding salot ay sinasalibayan ng solar o lunar eclipse.

Kung makikita natin ang Rahu, ito’y parang maitim na anino, na may pakpak na parang kumot.

SAAN NAGMULA ANG RAHU?
Noong sinaunang panahon sa Bicol, karaniwan kung gabing buwanin at maganda ang panahon. Naglalaro ang mga batang taga-barrio sa ilalim ng mahiwagang sinag ng bilog na buwan. Di kawasa’y unti-unting natakpan ng makapal na ulap ang buwan. Sabay-sabay halos na napahumindig ang mga batang naglalaro. “D-Dahil iyon sa rahu,” sabi ng isang batang lalake. “O-Oo nga,” nangangatal na pagsang-ayon ng isang batang babae. Iyon lang at nangangaykay sa takot na nagsitakbohan ang mga batang naglalaro sabay sigaw ng… “RAHU…RAHU!”

Ganito ang karaniwang eksena noong sinaunang panahon. Sa ating kapanahunan, marahil ay mangilan-ngilan na lamang bata ang nakakaalam kung ano ang salitang “rahu.” Ang rahu na tinatawag sa Tagalog na “laho” ay Sanskrit word. Ito ay isang maalamat na dragon sa mitologia ng India. Na ang kuwento’y napasalin-salin hanggan makarating ng Filipinas.

Sino nga ba ang hindi masisindak? Ang dragon ay kaakibat ng sari-saring kuwento patungkol sa naglilipanang mga maligno. Sinasabi pang nakatira sa kaibuturan (core) ng dragong rahu ang evil spirits na kung tawagin ng ating mga ninuno ay “los anitos malos.” At ang kaibuturan nga ng rahu ay walang iba kundi ang kanyang puso.

Bilang isang dragon, nagagawa raw ng rahu o laho na makaigpaw hanggang sa himpapawid. Doon ay nagagawa niyang kainin ang araw o maging ang buwan. Kapag nangyari ang pagsakmal na ito sa nabanngit na heavenly bodies, doon daw nagaganap ang pagsapit ng eklipse o “eclipse.” Kaya’t noong unang panahon ay isang katagang madalas mong marinig ang ganito: “Kinain ng laho ang araw” … o kaya naman ay … “Kinain ng laho ang buwan.”

Maging ang hindi maipaliwanag na pagkawala ng isang tao o bagay ay isinisisi rin sa laho. Iniuugnay nila ito, dahil iniisip nila na ang rahu ang siyang may kagagawan nang naganap na pagkawala ng isang bagay o tao, sapagkat nilulun ito ng dragon. At dahil kadililman ang ibinubunga ng pagsakmal ng rahu ang nasabing pangalan ay nagkaroon ng bagong kahulugan – ito ay “kadiliman.” Kaya ang salitang laho ay nangangahulogan pa rin ng karimlan sa salitang Tagalog at Pampango.


ANG SALITANG “LAHO” AY HINDI NAGLAHO SA PAGDARAAN NG MARAMING TAON
Maraming salitang buhat sa sinaunang alamat o kuwentong bayan ay sabay na nilumot ng panahon. Pero ang salitang “laho” hanggang sa ating modernong panahon ay ginagamit pa rin. Hanggang ngayon, sa isang tipikal na tahanang Pinoy, kapag nawala ang isang bagay at sadyang hindi na mahagilap kung nasaan, madalas na napapabuntunghininga na lamang ang taong nabanggit kasunod ang salitang … “Para namang kinain ng laho…”

Dahil dito, masasabi nating ang ibang kuwentong Pinoy, lalo’t tungkol sa mga maligno ay binubuhay pa rin ng nakagisnang paniwala at tradisyon. Wala namang masama sa tradisyon o kinagisnang paniwala… kung hindi iyon nakakaapekto sa ating pagsulong bilang isang bansa. Hindi rin masama kung hindi inaagaw ng maling tradisyon at panatikong paniniwala ang ating kultura. Sapagkat kung gayon, di na natin dapat gamitin ang salitang ito.

Sa susunod na mawala ang isa sa iniingatan mong bagay, baka masabi mong… “Para namang kinain ng laho…”



BAWA – ang mandaragit:

Ang mga taga-kanluraning Bisaya ay naniniwala sa isang malignong dragon na tinatawag nilang Bawa. Isang nilalang na matatagpuan sa papawirin, dagat at kabundukan. Sang-ayon sa mga kuwento, ang nasabing dragon na kulay itim ay may anyong tulad sa ibon. Napakalaki nito at may malalapad na bagwis at may matutulis na kuko na mabalahibo ang dulo. Ang balahibong matutulis ay sapat na para magdulot ng kamatayan sa sinumang biktima. Kapag natusok ka raw ng matutulis na balahibo ng bawa ay hindi maaampat ang pagdurugo saan mang bahagi ng katawan ka matusok. Hanggan sa mamatay ang biktima dahil sa pagkaubos ng dugo.

Ang matutulis na kuko ng bawa ay higit ang puwersa kaysa agila. Dahil na rin sa laki at lakas nito, sinasabing hindi puwedeng ikumpara ang kapit ng sampung agila sa kapit ng bawa. Kahit sampung malalakas na kalalakihan ay puwede raw dagitin at ilipad ng bawa. Kakatwa sa lahat ng uri ng dragon ibon, ang bawa ay mayroong sampung matutulis na kuko sa dalawang paa, tiglilima ang bawat isa. Magigimbal ka kung makita mo ang mata nito. Nagagawa niya iyong mapaikot-ikot sa kanyang kinalalagyang mata o eyesocket para takutin ang biktima. Na siyang hilig ng nasabing dragon. Napapalisik niya ang kanyang mata lalo’t lumilipad siya sa gitna ng gabi. Ang mata ng bawa ay may puwersang bumulag sa biktima. Sang-ayon sa alamat, kapag nakakaenkuwentro ng ating mga ninuno ang bawa ay hindi nila iyon tinititigan sa mata. Ang ginagawa ng mga tao ay lumuluhod sila sa lupa at ikinakampay ang magkabilang kamay ng animo’y mga pakpak na inililipad. Ngunit sa kabila ng pagiging dambuhala, isang bobong dragon ang bawa. Sabi nga’y palpak ang kanyang pang-amoy. Hindi niya kayang tukuyin kung ano ang hayop at tao. Isa pa’y may malabong mata ang bawa. Kapag ikinampay mo ang iyong mga kamay, mas malamang na akalain ng bawa na isa ka ring ibong dragon na kauri niya. Sa ganoong pagkakamali ay puwede ka niyang lagpasan para maghanap ng panibagong biktima.

BURUBOT ANG UTAK NG BAWA
Burubot nga ang utak ng bawa. Ibig sabihi’y madali itong magalit at mabugnot. Ang mga bagay na nagdudulot ng galit o inis sa bawa ay tulad ng biglang pagsalakay ng gutom, ang pananakit ng malabong mata at ang pagka-pigtal ng kahit isang balahibo sa katawan na nagdudulot sa kanya ng kirot.

 
MASAMANG MAKUNSUMI ANG BAWA
Sa ganitong pagkakataon (gutom, pananakit ng malabong mata, atbp.) ay nakukunsumi ang bawa kaya nagwawala. Dito nalalagay sa peligro ang kanyang nabibiktima. Kahit pa ikampay mo ang iyong mga kamay para mailigaw o madaya ang bawa ay tiyak pa rin ang gagawin nitong pagsalakay. Kapag dinagit ka ng bawa ay wala ka nang ligtas. Dadalhin ka niya sa kanyang tirahan doon sa ikapitong salin ng alapaap. Ayon sa kuwento ng mga matatanda, may palasyo ang bawa sa ikapitong salin o susun (layer) ng alapaap. (mabuti naman at natutukoy pa niya ang kanyang tirahan sa labo ng kanyang mata.) doon niya nilalapa ang biktima. (siguro meron siya doon gintong mesa, kaya doon niya kinakain ang biktima.) walang itinitira ang bawa kahit munting bahagi ng biktima. (masinop talaga ang dragon na ito.)

ANG PAGLALAHO NG MGA SINAUNANG TAO AY IBINIBINTANG SA BAWA
Hindi pa uso ang kidnapping noong sinaunang panahon. Pero isang katotohanan ang biglang paglalaho ng ilang mga tao. Walang pinipili – bata, matanda, lalake o babae ay biglang nawawala nang walang sapat na dahilan. Na karaniwan ay nangyari sa dagat na hindi naman masama ang panahon. Sa ganitong pagkakataon, sinasabing nadagit ng bawa ang nawalang tao.

Hindi rin ligtas ang mga gamit sa bahay sa pagdagit ng bawa. Kinukuha daw nito ang palabigasan, ang buong dapog na siyang pinaglulutuan ng sinaunang Pilipino. Itatanong mo marahil, paano nakapasok sa loob ng bahay ang bawa gayong dambuhala nga ito sa laki? Bago ito makapasok para makakuha ng nasabing mga bagay ay tiyak na mawawasak muna ang bahagi o buong kabahayan, hindi ba?

Seimpre, walang imposible sa daigdig ng pantasya, ano man isipin at naisin natin ay lumilitaw at nagaganap sa lugar na ito. At misteryosong maligno nga kasi ang bawa. Nagagawa nitong mapaliit ang kanyang sukat na tulad lamang sa isang katamtamang laki ng ibon. Pero kuwidaw – kahit napaliit na ng bawa ang kanyang sukat ay nananatili pa rin ang pambihira nitong lakas. Kaya niyang dagitin palabas ang matiyempuhang kasangkapan, halimbawa nga ay ang palabigasan.

Hindi raw dinadala ng bawa ang natangay na bagay sa kanyang tirahan. (siguro ayaw niyang makalat sa kanyang palasyo.) lumilipad lang ang bawa sa isang panig ng himpapawid, doon sa hindi kayang abutin ng paningin ng tao. Kapag nagsawa na ito sa kalilipad ay agad ding ibinabagsak ang tinangay na bagay. Natural, bumabagsak mula sa langit ang mga butil ng bigas at iba’t iba pang bagay. Sang-ayon sa kuwento ng matatanda, minsan, umulan ng mga gulay nuon panahon. Sa ganitong pagkakataon ay nagpapasalamat ang mga tao dahil sa bumagsak na pagpapala sa panahon ng tag-tuyo. Pinasasalamatan nila si Bathala (ang tawag ng mga sinaunang Pilipino sa ating Dios na Manlilikha).


ANG MABISANG PANGONTRA SA BAWA
Dahil isang bobong dragon ang bawa, madali mo siyang malilinlang. Kapag narinig mo na ang pagaspas ng kanyang pakpak, saan ka man naroon, bukod sa pagkampay ng iyong dalawang kamay para mapagkamalan ka ring ibon ay mayroon ka pang isang pamamaraang magagawa. Kahit mag-anyo pa siyang ordinaryong ibon ay hindi ka mapapahamak. Kahit sa anyong ordinaryong ibon ay malakas ang pagaspas ng pakpak ng bawa. Sa ganitong pagkakataon ay malalaman mong ang nasabing ordinaryong ibon ay isang bawa. Agad kang sumubsob sa lupa at mamaluktot na parang isang pirasong bato. Huwag kang ga-galaw kahit munting kibot. Kahit magpalibot-libot sa iyong harapan ang bawa ay huwag kang kikilos. Aalis siya para maghanap ng ibang tatangaying biktima. Samakatuwid, ang lakas ng loob, presence of mind at bahagyang pag-arte ang mabisang panlaban sa bobong malignong dragon.

Sunday, May 13, 2012

CHANGELING

Ano ang Changeling? Ito ang pagpapalit ng mga immortal na nilalang sa isang mortal. Para siya’y madala sa daigdig ng mga encanto. Upang hikayatin na duon na ito manirahan. Ang bilang kapalit niya na isang kaputol na barani ng saging o kaya’y kaputol na troso; na ating nakikita na kamukha ng taong kinuha nila ay isa lamang malikmata. 

Noong panahon, ang pamahiing ito nang matatanda, ay ginagalang at pinaniniwalaan bilang bahagi ng mahiwagang daigdig. Ngunit pagdating nang sinasabing modernong panahon na marami ng bagay ang natutuklasan sa mundo, at sciencia na ang namamayani sa isipan at paniniwala ng mga tao. Ang ganitong pangyayari ay ipinag-kikibit balikat na lamang at sasabihing yaon ay bahagi na lamang ng alamat. Sapagkat ang lahat ng bagay ay sinasabing kaya nang ipaliwanag ng sciencia.

ASWANG

Aswang (as[aso]+wang[wangis]) sila ay may kakayahang makapagpalit ng anyo, tulad ng malalaking aso, pusa, baboy, atbp. Ito ay kahalintulad ng "lycanthropy" ng Europa na kung saan ang isang tao ay nakakapagpalit ng anyo bilang taong lobo. Maraming uri ng aswang sa ibat ibang bansa subalit mas kakaiba ang aswang sa Pilipinas sapagkat ibat-ibang uri sila at may ibat-ibang katawagan depende kung saang lugar.
from book of OCCULT page 451, by Colin Wilson
Binabanggit sa aklat na sinulat ni Collin Wilson na "Occult" ang Pilipinas raw ay kilala maging sa ibang bansa pagdating sa mga tinatawag nating nilalang sa dilim ito ay kanilang tinaguriang "psychic vampire" sa kadahilanang ang aswang na ito ay astral lamang, na kung saan pinupuntahan niya ang kanyang biktimang maysakit at hinihigop nito ang lakas (life force), kaya kadalasan may mga kwento na kapag hinahabol ang isang aswang bigla na lang itong nawawala dahil sila ay nasa pormang astral lamang. Nagagawa nilang makapaggala kahit sila ay nakahiga lamang at natutulog. Ang astral projection ay maaaring gawin ng sinomang tao dahil lahat tayo ay meron nito sa "theosopy" tinatawag nila itong "etheric double", kailangan lang ng taong marunong upang maituro ang tamang proseso.

Ito ay ilan lamang sa uri ng katawagan sa mga aswang:
Al - alya (Ilocos), Asbo (lakad - Bicol), Garo (Bicol), Hilam (Bicol), Hilang (Bicol), Laryon (Bicol), Layug (lipad - Bicol), Makanlok (Mindanao), Malakat (Pampanga), Manananggal (Bicol), Mandurugo (Bisaya) Motog (Bicol, Bisaya), Moya (Tagalog), Payayang (Bicol), Silagan (Bicol), Wakwak (Bisaya), Wowog (Bisaya)

Aswang Potion:
Egg shell of kapreng manok + coconut oil (1 eye coconut) + ipot of kapreng manok + menstrual blood + oracion = oil of aswang

Orasyon Bicol ng Aswang:
Siri - siri, daing Dios kung banggi.
Haplos sa daghan layog sa kaharungan.
Dagos sa talampakan lampaw sa kakahuyan.

Note: for record purposes only.

NEPHILIM AT ANAKIM - MGA HIGANTE SA BIBLIYA


Ang Nephilim ay makalawang ulit na nabanggit sa Bibliyang Hebreo; sa Genesis 6:4 at Mga Bilang 13:33 Ang tradisyon patungkol sa mga Nephilim ay matatagpuan sa ilang Jewish at Kristianong kasulatan.

(Sa King James Version ng Bibliya ang Nephilim (nefilim) ay isinalin bilang “higante”)

GENESIS 6:1-4
1 At nangyari, nang magpasimula na dumami ang mga tao sa balat ng lupa, at nangagkaanak ng mga babae,

2 At nakita ng mga anak ng Dios, na magaganda ang mga anak na babae ng mga tao; at sila’y nangagsikuha ng kanikaniyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.

3 At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailanman, sapagkat siya ma’y laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawampung taon ang kaniyang mga araw.

4 Ang mga HIGANTE ay nasa lupa ng mga araw na yaon, at pagkatapos din naman namakasiping ang mga anak ng Dios sa mga anak na babae ng tao, at nangagkaanak sila sa kanila: ang mga ito rin ang naging makapangyarihan sa unang panahon na mga lalaking bantog.


MGA BILANG 13:32-33
32 At sila’y nagdala ng masamang balita tungkol sa lupaing kanilang tinitiktikan, sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Ang lupain na aming pinaroonan upang tiktikan ay isang lupain na kinakain ng mga tumatahan doon; at lahat ng bayan na aming Makita roon, aymga taong malalaki.

33 At doo’y aming nakita ang mga Nefilim, ang mga anak ni Anac, namula sa mga Nefilim: at kami sa aming sariling paningin ay naging parang mga balang, at gayon din kami sa kanilang paningin.

ANAKIM (o Anakites) ay mga ninuno ni Anac, at naninirahan sa timog ng Canaan, na kalapit ng Hebron. Sa panahon ni Abraham silay naninirahan sa rehiyong kilala bilang Edom at Moab, silangan ng ilog Jordan. Sila ay nabanggit sa pagbabalita ng espiya tungkol sa naninirahan sa lupain ng Canaan. Sa aklat ng Joshua sinasabi na sila ay napaalis ni Joshua sa lupaing yaon, maliban sa mga labing natagpuan ng mga nakatakas sa siyudad ng Gaza, Gath at Ashdod. Ang Felistiniong higante na si Goliath, na nakaenkwentro ni David ay maaaring kalahi ng mga Anakim.

ANG TUNAY NA SIRENA

 Ang isa sa masasabing tunay na sirenang nasaksihan ng mga tao at natala sa kasaysayan; ay yaong nahuli sa Belfast Lough sa Northern Ireland noon A.D. 558. Sinasabing siya'y may kakat'wang kasaysayan, sapagkat tatlong-daan taon na ang nakaraan mula nang siya'y isa pa lamang maliit na bata na nagngangalan Liban. Siya at ang kanyang mga magulang na nalunod ay tinangay ng malaking baha sa dagat.

Himalang siya'y nabuhay sa luob ng isang taon na aanod-anod sa mga alon ng dagat, hanggan sa siya'y unti-unting nagbagong-anyo na tulad sa isang sirena. At dito na siya namumuhay na mag-isa at naririnig na umaawit sa ibabaw ng dagat, kumakain ng maliliit na isda at halaman dagat. Siya'y palaging nakikitang namamahinga habang umaawit sa ibabaw ng mga batuhan sa lawa.

Hanggan sa mabalitaan ito ng mga taong bayan na nag-grupo upang mamangka patungo sa gitna ng lawa at hinuli ng lambat. Tinawag siya ng mga tao na Murgen, na nangangahulogan "ipinanganak sa dagat," inilagay siya sa malaking tangke ng tubig saka ito itinanghal para masaksihan ng lahat. Bininyagan siya, at nang ito'y mamatay na tinawag siyang St. Murgen. Maraming milagro at kababalaghan sa Ireland ang iniugnay sa kanya.
Ang isa pang sinasabing totoong sirena, ay naganap noon 1403 sa Netherlands. Sangayon sa kasaysayan, isang araw may babaing nilalang na nabalahu sa putikan, nakita ito ng mga babaing nakatira sa lugar na iyon. Siya'y tinulungan na alisin ang mga halamang-dagat na nakakapit sa kanyang katawan na anyong tao naman sa kabuoan. Ang pagkakaiba lamang ay hindi siya makatira sa katihan, at tulad sa isang isda siya'y kinakapos ng hininga.

Mula noon siya'y naging kaibigan ng mga babae sa village, at lagi siyang bumabalik sa lugar na ito. Nabuhay siya mula noon sa luob ng labinlimang taon, ngunit hindi siya natutung magsalita maliban sa matinis na huni ang naririnig sa kanya. Dahil dito hinsdi nalaman ng mga villeger kung saan talaga siya nagmula. Nang ito'y mamatay binigyan siya nang isang marangal at kristiyanong libing ng mga mamamayan duon sa pamamagitan ng paglalagak ng kanyang labi sa bakuran ng kanilang simbahan.

Sa Banal na Isla ng Iona (sa Scotland) meron naman isang ma-alamat na kasaysayan ng isang sirena. Sangayon sa mga kuwento, isang napakagandang sirena ang naligaw sa lugar na ito. Nataon naman na ang santo na naninirahan dito ay naglalakad sa dalampasigan. Nang matanawan siya ng sirena kaagad itong nabighani sa nasabing santo. Mula nuon lagi nang dumadalaw ang sirena sa isla, hanggan sa sila'y magkakilala. Sa kanilang pag-uusap nabatid niya sa santo na ang isang sirena ay walang kaluluwa. At sinabi nito na kung gusto niyang magkaruon ng kaluluwa nararapat na iwan niya ang dagat at mamuhay bilang tao sa lupa. Dahil sa hangarin ng sirena na siya'y ma-ibig ng santo; pinilit niyang umahon sa dalampasigan. Ngunit dahil sa kanyang kakaibang anyo at pinagmulan kahit anong pagsisikap ang gawin, hindi niya magawang maka-ahon sa lupa at nahihirapan siyang makahinga sa ibabaw.

Sa kawalan ng pag-asa umiiyak siyang umalis sa lugar na ito at hindi na kaylan man nagpakita. At sangayon sa alamat, ang mga kulay gray-green na maliliit na batong natatagpuan lamang sa isla, ay ang napormang luha ng sirena.

May mga kuwento naman nagsasabi noong panahon ni Alexander the Great, siya'y meron globong cristal na kanyang ginagamit kapag nakikipag-tipan siya sa magagandang sirena sa ilalim ng dagat. Siya'y dinadala at ipinapasyal ng mga ito hanggan sa kailaliman ng dagat. Ang Romanong manunulat naman na si Pliny ay sumulat kung papaano ang isang opisyal ni Augustus Caesar na nakakita nang napakaraming mga sirenang patay sa baybayin na napadpad sa dalampasigan ng Gaul, pagkaraan maganap ang isang malakas na bagyo.
Sa isang banda ang pagpapakasal daw sa isang sirena ay nagiging masaya, at humahantung sa buhay masagana. Katunayan, sa mga baybayin ng northwestern Scotland at southeastern England, may ilan mga tao ruon na nagsasabing ang kanilang mga ninuno ay nagmula sa mga sirena.

Nuong Middle Ages may pamilyang nakilalang nagbuhat sa lahing French, para matanyag, kanilang ipinangangalandakan na ang kanilang angkan ay nagmula sa sirena na nagngangalan Melusine, asawa ni Raymonde, pinsan ng Count ng Poitiers. Ngunit nang siyasatin ang katotohanan hinggil sa mga bagay na ito, natuklasang nilikut lamang nila ang talaan ng kanilang ninuno.

Sinabi nang kuwento na ang kanilang ninuno na si Raymonde ay nakasal sa isang hindi nakikilalang sirena. Sa kundisyon na sa lahat ng araw ng Sabado, hahayaan niya ang asawa na mag-isa sa luob ng kuwarto. Sa luob ng maraming taon sila'y nagsama nang masaya at masagana. Ngunit isang araw ng Sabado dahil sa sutsot ng kanyang pamilya, sinilip niya ang asawa sa butas ng susian ng banyo. At kitang kita niya kung papaano ang asawa nagbabagong-anyo sa paliguan, na ang kayang baywang paibaba ay nagiging isda.

Ngunit dahil sa matalas na mata at pang-amoy, nalaman ito ni Melusine na sumisigaw sa kahihiyan na tumalon sa bintana ng banyo. Mula noon hindi na siya nasilayan ni Raymonde, na bumabalik na lamang sa kalaliman ng gabi para pasusuhin ang kanilang anak. At sinasabing kapag siya'y dumarating nakakikita sila ng nagliliwanag na anyo na may kulay asul at puting kaliskis na buntot na nasa tabi ng duyan ng bata.

Dito nagtapos ang kanilang makulay na pag-iibigan na nag-wakas sa isang masaklap na paghihiwalay. Na nangyari dahil lamang sa sutsot ng kanyang pamilya.

Dahil sa mga kuwento ng mga mandaragat tungkol sa sirena, nauso nang panahong ito na iguhit o ililuk ng mga tao ang larawan ng sirena sangayon sa mga nabanggit na alamat. Kaya magpahanggan sa ngayon ang sirena ay isinasalarawan na nakasampa sa isang malaking bato at sinusuklay ang kanyang mahabang buhok habang umaawit nang isang malamyos at matinis na tinig para akitin ang mga nagdaraan marino.

BUNGISNGIS

Ang Bungisngis ay isang higante na na merong iisang mata, na matatagpuan sa mga kwentong alamat ng Pilipinas. Ang higanteng ito ay matatagpuan sa Meluz, Orion, Bataan. Ang Bungisngis ay inilalarawan bilang isang higante na may isang mata na laging tumatawa. Sa literal na kahulugan ang Bungingis ay nagmula sa salitang Tagalog na ngisi, salita na nangangahulugang "sa bumungisngis".

Ang Bungisngis ay may hitsura na kahalintulad sa tao. Ito ay may mga malalaking ngipin na kung saan ay palaging pinapapakita, at ang itaas na labi nito ay sumasaklaw sa kanyang mukha kapag ito ay binaliktad. Merong dalawang mahabang pangil na nagmumula sa bahagi ng kanyang bibig. Ang higante ay may isang mata lamang, na kung saan ay matatagpuan sa gitna ng kanyang noongunit kapalit nito ang katangiang malakas na pandinig. Meron din itong hindi pangkaraniwang lakas. Sa kuwento na "Ang Tatlong Magkakaibigan - Ang unggoy, Ang Aso at Ang Kalabaw," kayang kayang buhatin ng higante ang kalabaw at ibalibag ito pabagsak sa lupa. Gayunman, sa kabila ng lakas nito, ang Bungisngis ay madaling mataranta. Sa kuwento ng Tatlong Magkakaibigan, nadaya ng unggoy ang bungisngis na humantong sa kanya sa kanyang kamatayan.