Aswang (as[aso]+wang[wangis])
sila ay may kakayahang makapagpalit ng anyo, tulad ng malalaking aso,
pusa, baboy, atbp. Ito ay kahalintulad ng "lycanthropy" ng Europa na
kung saan ang isang tao ay nakakapagpalit ng anyo bilang taong lobo.
Maraming uri ng aswang sa ibat ibang bansa subalit mas kakaiba ang
aswang sa Pilipinas sapagkat ibat-ibang uri sila at may ibat-ibang
katawagan depende kung saang lugar.
Binabanggit sa aklat na
sinulat ni Collin Wilson na "Occult" ang Pilipinas raw ay kilala maging
sa ibang bansa pagdating sa mga tinatawag nating nilalang sa dilim ito
ay kanilang tinaguriang "psychic vampire" sa kadahilanang ang aswang
na ito ay astral lamang, na kung saan pinupuntahan niya ang kanyang
biktimang maysakit at hinihigop nito ang lakas (life force), kaya
kadalasan may mga kwento na kapag hinahabol ang isang aswang bigla na
lang itong nawawala dahil sila ay nasa pormang astral lamang. Nagagawa
nilang makapaggala kahit sila ay nakahiga lamang at natutulog. Ang
astral projection ay maaaring gawin ng sinomang tao dahil lahat tayo ay
meron nito sa "theosopy" tinatawag nila itong "etheric double",
kailangan lang ng taong marunong upang maituro ang tamang proseso.
Ito ay ilan lamang sa uri ng katawagan sa mga aswang:
Al
- alya (Ilocos), Asbo (lakad - Bicol), Garo (Bicol), Hilam (Bicol),
Hilang (Bicol), Laryon (Bicol), Layug (lipad - Bicol), Makanlok
(Mindanao), Malakat (Pampanga), Manananggal (Bicol), Mandurugo (Bisaya)
Motog (Bicol, Bisaya), Moya (Tagalog), Payayang (Bicol), Silagan
(Bicol), Wakwak (Bisaya), Wowog (Bisaya)
Aswang Potion:
Egg shell of kapreng manok + coconut oil (1 eye coconut) + ipot of kapreng manok + menstrual blood + oracion = oil of aswang
Orasyon Bicol ng Aswang:
Siri - siri, daing Dios kung banggi.
Haplos sa daghan layog sa kaharungan.
Dagos sa talampakan lampaw sa kakahuyan.
Note: for record purposes only.
No comments:
Post a Comment