Lahat ng bagay sa mundo ay umiinog sa ilalim ng kapangyarihan ng Kataastaasang Dios, lahat ng dimension ay kanyang nasasaklawan... lahat ng nilalang dito sa mundo natin at sa iba pang mundo tanging sa DIOS lamang nagmula... Kung TAO lang ang tinatangi ng DIOS at ang ibang NILALANG ay hindi, sana ay siya na mismo ang kusang gumunaw o pumuksa sa kanila... buksan natin ang ating kamalayan kung bakit ang mga nilalang sa dako paroon ng mga imortal at nanatili pa rin hanggang sa ngayon...

Ang atin pong BLOG ay walang pinapanigan na relihiyon, sekta man o kongregasyon, dito po ay talakayan lamang at bahaginan ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa KABABALAGHAN - ang mga sitas na hango sa mga itinutiring nating banal na kasulatan kung gamitin man sana ay makatulong para sa kaliwanagan ng kaisipan ng bawat isa at hindi maging daan ng ano mang pagtatalo, tayo po ay malaya na maniwala sa kung ano mang pinaniniwalaan natin, subalit huwag nating isipin na tayo na ang nakakaalam ng BUONG KATOTOHANAN sapagkat hindi tayo naging saksi sa mga totoong pangyayari ng UNA, kung ano mang realization na nakamit natin sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasaliksik ito po ay ating pagyamanin at gamitin sa mabuting pakikipag-kapwa-tao...


- Taong Lipod

Monday, May 14, 2012

ANGHEL AT HIGANTE

Isa sa nangungunang paniniwala, na hindi masyadong nahaluan ng tanyag na teolohiya, na ang mga Anghel ay nakipagtalik sa mga babae at nanganak ng mga higante. Ang ideya ay kinuha sa aklat ng Genesis 4:2, na tinanggap rin ng mga ama ng kristiyanismo na sinusundan pa ng opinyon ng mga sinaunang Jesuita na tagapaliwanag, Philo-Judeus at ni Josephus. Isa sa partikular na pagsalaysay ay nagkataong binabanggit rin sa aklat ni Enoch, na kung saan gumagawa ang mga Anghel---Uriel, Gabriel, at Michael---ang mga nangungunang instrumento ng pagsupil ng mga ipinanganak na nakakagimbal. Ang mga klasikong manunulat ay kanilang pinagyayaman ang paniniwalang "bayani" ng lahi, na lahat sila ay ipinanganak mula sa pag-ibig ng mga diyoses sa mga babae, o para ang pagpapakita ng pagkagusto ng mga mortal sa mga diyosa.

Ang mga Persian, Jesuita, at Muslim ay may mga patotoo sa karaniwang pinagmulan ng mga anghel, at sila ay nagsasabi na ang mga ito ay may pagkakaiba sa kasarian.   Sa huli, ang pangalang Azazil ay ibinigay sa herarkiya na siyang malapit sa trono ng Dios, na kung saan masasabing doon nabibilang ang Satanas (Eblis or Haris) ng Mohammedan, ganun din ang Azreal, ang anghel ng kamatayan, at ang Asrafil (kahalintuald ng Israfil), ang anghel ng pagkabuhay na magmuli. Ang tagapanuri, Moukir at Nakir, ang mga anghel na tumutulong na armado ng mga pamalo na bakal at apoy, na siya ring magsusuri at magtatanong sa mga taong sumakabilang buhay na.

Ang kahalintulad na paniniwala sa Talmud ay ang patotoo ng pitong anghel na dumagsa sa daan ng kamatayan. Ayon naman sa Koran; nagtatalaga ng dalawang anghel sa bawat tao --- ang isa ay magtatala ng nagawa niyang kabutihan at ang isa naman ay sa nagawang masama. Sila ay maawain kapag ang masamang gawa ay natapos na, ito ay hindi matatala hanggat ang tao ay tulog pa, at kapag siya rin ay nagsisi, kanilang ilalagay sa kanilang talaan na ikaw ay napatawad na ng Dios. 

Ang mga ama ng kristiyanismo, sa bawat parte ang anghel ay pinaniniwalang meron katawan na may makalangit na sangkap (sa Tertullian ito ay tinatawag na "malaanghel na laman"),  at kung hindi naman ipagpapalagay na makalupang kasiyahan ang kanilang presensya. Sa katunayan, lahat ng gawa na naitala ng mga anghel sa Kasulatan ay katangian ng katawang lupa.

Ilan sa mga Theosophists ay naniniwalang ang mga anghel ay may kaugnayan sa buhay ng mga engkantada, bahagi ng "Devic" na kaharian  (mula sa Sankrit na terminong "deva" o "banal na nilalang."). 

No comments:

Post a Comment