Lahat ng bagay sa mundo ay umiinog sa ilalim ng kapangyarihan ng Kataastaasang Dios, lahat ng dimension ay kanyang nasasaklawan... lahat ng nilalang dito sa mundo natin at sa iba pang mundo tanging sa DIOS lamang nagmula... Kung TAO lang ang tinatangi ng DIOS at ang ibang NILALANG ay hindi, sana ay siya na mismo ang kusang gumunaw o pumuksa sa kanila... buksan natin ang ating kamalayan kung bakit ang mga nilalang sa dako paroon ng mga imortal at nanatili pa rin hanggang sa ngayon...

Ang atin pong BLOG ay walang pinapanigan na relihiyon, sekta man o kongregasyon, dito po ay talakayan lamang at bahaginan ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa KABABALAGHAN - ang mga sitas na hango sa mga itinutiring nating banal na kasulatan kung gamitin man sana ay makatulong para sa kaliwanagan ng kaisipan ng bawat isa at hindi maging daan ng ano mang pagtatalo, tayo po ay malaya na maniwala sa kung ano mang pinaniniwalaan natin, subalit huwag nating isipin na tayo na ang nakakaalam ng BUONG KATOTOHANAN sapagkat hindi tayo naging saksi sa mga totoong pangyayari ng UNA, kung ano mang realization na nakamit natin sa ating buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasaliksik ito po ay ating pagyamanin at gamitin sa mabuting pakikipag-kapwa-tao...


- Taong Lipod

Tuesday, May 15, 2012

FAIRIES

Isang uri ng hindi pangkaraniwang nilalang o elemento ng kalikasan (nature spirits), sila ang isa sa pinakamaganda at mahalagang mitolohikong konsepto. Ang paniniwala sa mga fairies ay kilala na at tanyag na noon pa man, ang mga ideya patungkol sa kanila ay matatagpuan magin sa primitibo man o sa sibilisadong pamayanan. Ang mga fairy ay kinikilala sa mga alamat, kwento, sa musika at maging sa mga tula. Ang terminong fairy ay hango sa salitang Latin na “fata” at “fatum” (fate, tadhana), at sa Middle English ito ay pinahihiwatig na kaakit-akit, o naninirahan sa isang mahiwagang lupain kasama ang mga kauri nito. Ang fairies ay kilala bilang “fays” o “fees” sa mga pulo ng Britanya at sa Europa.

Sinasabing ang mga Fairies ay hindi nakikita ang mga pangkaraniwang mata, at kadalasan sila ay may maliit na sukat kumpara sa normal na tao. Pinaniniwalaan na sila ay matulungin sa mga tao subalit lubhang mapanganib kapag sila ay niloko. Madalas sila rin ay tinuturing na pilyo na parang mga bata, ngunit pinaniniwalaang may taglay na kapangyarihan.
Ang pinakamatibay na tradisyon ukol sa mga Fairies ay matatagpuan sa mga kapuluan ng Britanya at Europa, matatagpuan rin ang paniniwala sa mga Fairies sa bahagi ng Asya, Amerika at Africa. May mga taglay na mga katangian ang mga Fairy sa tradisyong European, ang nangunguna dito ay ang “trooping fairies”, na siyang tinuturing na mga aristocrat sa mundo ng mga engkanto, mga nakatira sa mga palasyo, laging may selebrasyon, sayawan; ang hobgoblin fairies ang siyang may pagkagarapal, masisipag; mga nature spirits ng ilog, hardin, at ng kakahuyan; at may kaanyuang hindi maisalarawan, kahalintulad ng hags, at higante. Para sa kumpletong listahan ng mga pixies, nixies, elves, fauns, brownies, dwarfs, leprechauns, bogies, banshees, at iba pang mga fairies, tingnan sa A DICTIONARY OF FAIRIES (1976) ni Katherine Briggs.

Kabilang sa karaniwang Gawain ng mga fairies na may kaugnayan sa tao ay ang pagkuha ng mga sanggol at saka nila ito papalitan ng kanilang kauri (changeling); pagtulong sa mga halaman at bulaklak na lumalaki; paglilinis ng sahig; pagbibigay ng mga mahimalang regalo para sa pakikipagkaibigan ( tulad ng pag-alis ng kapintasan o pagtanggal ng sumpa ng mga mangkukulam); pagbibiro sa mga gatasang baka sa parang, patuyuin ang mga basang damit, gawing keso ang gatas at manira ng mga pananim.
Ang mundo ng mga Engkanto ay karaniwang nasa ilalim ng lupa o sa kahima-himalang ibang dimension. Ang oras dito ay mahimalang nagbabago – ang isang gabi ay maaaring katumabas ng isang buhay sa mundo ng tao kapag nasa lugar ka ng mga engkanto. Ang ilan sa mga pinakaromantiko at masidhing Alamat ay ang pagkabihag ng isang mortal sa reyna ng mga engkantada na kung saan sa pamamagitan ng mahika siya ay napunta sa kaharian ng mga engkanto na lahat ng hilingin mo ay matutupad, kapalit ng paglabag sa batas ng mundo ng immortal at tao ay ang pangungulila sa mundong kanyang pinagmulan, at siya ay makababalik dito subalit ang lahat ng iniwan niya ay lumipas na.
 
Noong ikalabing-pitong siglo (17th century), si Rev. Robert Kirk ay nag-imbestiga sa mga fairy ng Aberfole sa Scotland, higit pa sa pagbisita ng isang anthropologist na mag-aaral sa isang katutubong tribu. Sa kanyang aklat na THE SECRET COMMONWEALTH OF ELVES, FAUNS, AND FAIRIES (1691), ay buong kumpiyansa niyang sinasalaysay ang buhay, gawain at akitibidad ng mga fairy sa kanilang mundo; sa ilalim ng lupa. Ang labi ni Kirk ay nakalagak sa Aberfoyle, ngunit sinasabi sa alamat na siya ay nahimatay ng siya ay dumaan sa Fairy Hill at kasunod nito ang kanyang madaliang pagkamatay. Sinasabi ng kanyang mga kamag-anak na nagpakita si Kirk sa kanilang panaginip at nagsasabi itong siya ay bihag sa mundo ng mga engkanto. Nagbigay siya ng tagubilin para siya ay makalaya, subalit ang kanyang pinsan ay takot na takot na gawin ito, sa ganitong kadahilanan hindi na nakita pang muli si Kirk.
Maraming alamat tungkol sa pagtulong ng mga fairy sa mortal, karamihan ay sa mga ilang na lugar. Ang mga fairy na nanahan sa mga bahay ay sinasabing tumutulong sa mga pang-araw-araw na gawain katulad ng paghuhugas ng pinggan, paglalagay ng apoy, paglilinis ng sahig, paggawa ng masasarap na tinapay, at iba pa subalit tratuhin sila ng may paggalang at bigyan ng isang tasang gatas para sa kanilang problema.

Ang ibang fairy naman ay mga mapagbiro at mga pilyo na may gawing katulad ng mga poltergeist (magugulong multo), nandyan yong batuhin nya ang tao, pigilan ang pagkaluto ng tinapay, patayin ang ilaw, katukin ang mga gamit sa kusina, lumikha ng usok, o guluhin ang mga alagang baka at kabayo. Minsan ito ay bilang kaparusahan sa kawalang galang sa kanila. Sa rural na lugar ang mga fairies ay tinatagurin nilang “mababait na nilalang” para kung sakali man hindi masaktan ang kanilang damdamin.

Ayon sa pamahiin, minsan ang mga fairy ay nagnanakaw ng sanggol at papalitan ito ng kanilang anak bilang kapalit ng kinuha nila, kalimitan ito ay pangit at magagalitin. Ang changeling ay maaaring mautakan sa biglaang pagpasok upang malaman kung engkanto ito, merong sinaunang pamahiin na kapag natuklasan ang changeling dapat itong sunugin. Sa kadahilanang ito ilang sanggol na mayayamutin ang nasunog sa paniniwalang ito ay changeling, nagpatuloy ito hanggang ikalawang siglo sa mga lugar ng mga magsasaka.
Ang tradisyon patungkol sa mga fairy ay matibay sa mga Celtic na bansa. Sa Scotland at Ireland, ang engkanto ay tinatawag nilang “daone sithe” (men of peace) at pinaniniwalaan ng bawat taon ang demonyo ay nagdadala ng ikasampung bahagi nito. Sa Scotland at Ireland, ang mga Neolitikong baton a hugis arrow ay pinaniniwalaang armas ng mga fairy, at tubig na kapag nagbabad ka ay magsisilbing kagamutan sa maraming uri ng karamdaman.  Ang mga Celts ay naniniwala sa musika ng mga engkanto na maririnig mo sa isang piling lugar, at sinasabing napakagandang musika ang mariring mo. Ilang maalamat na musika na naririnig sa paghampas ng hangin ay sinasabing likha ng mga engkanto.

No comments:

Post a Comment